Paano i-export ang Telegram chat
Walang export button ang Telegram sa phone. Pero sa Telegram Desktop, 'yung app para sa Windows, Mac at Linux, kaya mong i-save ang kahit anong chat bilang file. Isang minuto lang.
- 1
I-download ang Telegram Desktop
I-install ito mula sa desktop.telegram.org. Tapos mag-log in: i-scan ang QR code gamit ang Telegram sa phone mo.
- 2
Buksan ang chat
I-click ang convo o GC na gusto mong ipabasa kay Marco.
- 3
I-click ang ⋮, tapos “Export chat history”
Nasa upper right ng chat 'yung three dots.
- 4
Huwag nang isama ang media
Sa “Media export settings”, i-uncheck ang “Photos” at iba pang media. Text lang ang kailangan ni Marco, at mas mabilis pa ang export.
- 5
Piliin ang JSON
Sa “Location and format”, gawing “Machine-readable JSON” ang format.
- 6
I-click ang “Export”
Pag lumabas na ang “Your data was successfully exported”, i-click ang “Show my data” para mabuksan ang folder.
- 7
I-upload ang result.json
Sa HeyMarco, piliin ang Telegram at i-upload ang file na result.json mula sa folder na 'yon.
- Na-export mo na as HTML? I-zip ang buong export folder at i-upload ang ZIP. Nababasa rin ni Marco ang HTML export ng Telegram.
- Na-export mo ang buong account mo mula sa Settings, Advanced, “Export Telegram data”? I-upload lang ang result.json, at tatanungin ka ni Marco kung aling chat ang babasahin niya.
May result.json ka na? I-upload sa HeyMarco at si Marco na ang bahalang magbasa. Free ang preview, at made-delete ang mga message mo pagkalipas ng pitong araw.
I-upload ang chat mo