Paano gawing private ang report

Mabubuksan ng kahit sinong padalhan mo ng link ang report. Pag ginawa mong private ang chat, ikaw lang at ang mga pinapasok mo ang makakabukas ng mga report, photos at stats nito, kahit anong link pa ang hawak nila.

  1. 1

    Piliin ang private pag nag-upload

    Sa huling step ng setup, sa ilalim ng email mo, i-check ang “Gawing private: ’yung mga pinapasok ko lang ang makakabukas”. Private na ang chat pagka-save nito.

  2. 2

    O gawing private ang report na meron ka na

    Buksan ang report mo at i-tap ang “Gawing private” sa taas (ikaw lang ang nakakakita nito), o pumunta sa “Sino’ng puwedeng magbukas ng chat na ’to” sa page ng chat. I-on ang “Private”. Sakop nito lahat ng report sa chat, pati photos at stats.

  3. 3

    Mag-invite gamit ang email

    I-type ang email address nila at i-tap ang “I-send ang invites”. May sariling link ang bawat isa, at gagana lang ito sa unang phone o browser kung saan nila ito binuksan. Kaya kahit i-forward pa ang email, walang ibang makakapasok. Puwede kang mag-send ulit ng invite o magtanggal ng tao kahit kailan.

  4. 4

    O mag-set ng passcode

    Mag-set ng passcode na at least 4 characters, tapos ikaw na ang magbigay nito sa kanila. Makakabukas ng chat ang kahit sinong may link at passcode. Puwede mong palitan o tanggalin ang passcode kahit kailan. Kapag pinindot mo ang “Tanggalin sila”, mawawalan ng access ang lahat ng nakapasok gamit ang passcode.

  5. 5

    Asikasuhin ang mga request

    Makikita ng iba pang magbubukas ng link ang “Private ang report na ’to”, at puwede silang mag-request ng access. Kung nilagay mo ang email mo noong nag-upload ka, makakatanggap ka ng email kapag may request. Lalabas din ito sa page ng chat. I-tap ang “Papasukin” para padalhan sila ng invite, o i-dismiss ang request.

  6. 6

    I-off kahit kailan

    I-off ang “Private” at mabubuksan na ulit ng kahit sinong may link ang chat. Naka-save pa rin kung sino ang pinapasok mo, kaya pag in-on mo ulit, may access pa rin sila.

Mag-upload ng chat at i-check ang “Gawing private” sa huling step, o buksan ang isa sa mga report mo at gawin itong private ngayon.

I-upload ang chat mo